Nagpulong sina Russian President Vladimir Putin at Ukrainian President Zelensky.

Ginanap ito sa Paris kung saan namagitan dito ang French President Emmanuel Macron at German Chancellor Angela Merkel.

Ito na ang kauna-unahang pagkakataon na magpulong ang dalawang lider matapos ang kaguluhan na ikinasawi ng mahigit 13,000 katao.

Nais kasi ng mga liders na tapusin ang mahigit na limang taon na kaguluhan at labanan sa eastern Ukraine sa pagitan ng government forces at separatist rebels na kinokontrol ng Russia.