-- Advertisements --

Good News para sa mga jobseekers!

Tumatanggap ngayon ang Department of Health ng aplikasyon ng mga naghahanap ng trabaho sa buong bansa.

Ang ahensya ay bukas sa mga jobseekers para sa iba’t -ibang opisina at pasilidad ng kagawaran.

Sa isang pahayag ay sinabi ni DOH Secretary Ted Herbosa na layon ng hakbang na ito na makapagbigay ng mas maganda at dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa mga Pilipino .

Nilalayon rin ng hakbang na ito na maiangat ang kalidad ng kanilang mga pamumuhay.

Naniniwala ang kalihim na malaki ang ambag ng mga bagong empleyado upang maipatupad ng ahensya ang kanilang mga layunin partikular na sa pagsisilbi ng maayos sa publiko.

Para sa iba pang mga mahahalagang impormasyon, mangyari lamang na bisitahin ang kanilang website at social media account .