-- Advertisements --

Binalaan ng Iran ang European Union na nagbibigay ng suporta sa Israel sa ginawa nilang mga krimen laban sa kanila.

Ayon kay Iranian Foreign Minister Araghchi na kaniyang nakausap sa telepono sina European Union’s foreign policy chief Kaja Kallas at Greek Foreign Minister Giorgos Gerapetritis kung saan tinalakay nila ang military activities ng Israel sa nasabing rehiyon.

Sinabi nito na ilang mga bansa sa Europe ang direkta at indirectly na nagsusuporta sa Israel para atakihin ang nuclear facility at ang Iran.

Dagdag pa nito na dahil sa mga pagpapakita ng suporta ng ilang European countries ay ikinakatuwa ito ng Israel at walang humpay itong nagsasagwa ng pag-atake.