Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakahandang tumugon ang kanilang buong hanay sa mga emerhensiya ng publiko at maging sa mga sakuna partikular na ngayong panahon na ng tag-ulan.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, naninindigan ang buong sandatahang lakas na hindi lamang proteksyunan at ipagtanggol ang mga interes ng bansa ang kanilang mandato.
Aniya, matatag din ang kanilang paninindigan na tumugon sa mga pangangailangan ng publiko sa mga komunidad sa pamamagitan ng mabilis na pagresponde at mabilis na pagpapaabot ng mga humanitarian assistance at disaster response lalo na sa pagpasok ng ganitong panahon.
Kasunod nito ay tiniyak rin ni Padilla na tuloy tuloy lamang ang kanilang pakikipagugnayan sa iba’t ibang yunit ng AFP maging sa mga task force, at iba pang katuwang na ahensya para gawing epektibo at maging mayos ang kanilangmagiging pagtugon sa oras ng mga kalamidad.
Samantala, nakikita naman ng AFP na sa pamamagitan ng regular na pagsasanay sa kanilng mga tauhan, mabilis na pag-preposition ng kanilang mga kagamitan at assets sa mga high-risk areas at pagppalakas ng kanilang logistics ay maipapakita ng Sandathang Lakas na nkahnda sila magsilbi sa bayan saan man at kailanman kung kinakailangan.