Agad na napigilan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang iligal na pangingisda ng ilang Chinese national sa bahagi ng West Philippine Sea.
Ayon sa ulat ng Western Command, nadiskubre ang dalawang Chinese fishing boats sa bahagi ng Ayungin Shoal sa WPS na siyang napagalamang may dalang mga air compressors at mga biteng hinihinalang may lamang mga cyanide at iba pang mga delikadong kemikal na siyang ginagamit sa illegal fishing.
Maliban dito ay namataan din ng Philippine Navy Maritime Command Operations Platform ang presensiya ng Chinese Maritime Militia Vessels at isang China Coast Guard vessel malapit sa pinangyarihan ng insidente.
Samantala, matagumpay naman na napaalis ng Hukbong Dagat ang mga hindi naman otorisadong mga barko ng China sa WPS na nagsasagawa ng mga iligal na aktibidad na posibleng makasira pa sa kalikasan.
















