-- Advertisements --

Binigyang-diin ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na dadaan sa itinakdang panuntunan ng Saligang Batas at House Rules ang impeachment complaint na isinampa laban kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon kay Adiong, standard na hakbang ang pag-refer ng reklamo sa Committee on Justice upang suriin kung ito ay sapat sa form and substance.

Tiniyak niya na ang prosesong ito ay bahagi ng seryosong mekanismo ng Konstitusyon at hindi nagbibigay ng anumang paunang hatol sa resulta.

 “The House will continue to discharge its duties in an orderly, rules-based, and transparent manner,” wika ni Adiong.

Nilinaw din ni Adiong na ang pansamantalang pagliban ni House Secretary General Cheloy Garafil, na kasalukuyang nasa opisyal na biyahe sa ibang bansa, ay hindi makakaapekto sa pag-usad ng mga usaping pang-impeachment sa Kamara.

“Impeachment is a serious constitutional mechanism,” pahayag ni Adiong.