Dumalo sa kaniyang kauna-unahang Imperial banquet sa Imperial Palace si Prince Hisahito, 19-anyos, nitong May 27 bilang bahagi ng pagtanggap sa opisyal na pagbisita nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos sa Japan.
Ang diplomatikong hapunan ay itinuturing na isang makasaysayang sandali para sa batang prinsipe, na kasalukuyang pangalawa sa linya ng pagmamana sa Chrysanthemum Throne ng Japan.
Ang pagdalo sa mga ganitong okasyon ay isang mahalagang hakbang sa kaniyang paggampan ng mas pormal na tungkuling maharlika.
Kabilang din sa mga naging kaganapan sa banquet ang masayang pakikipag-usap ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ma. Cristina Roque kay Prince Hisahito, na nagmarka sa mas malalim na ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at delegasyon ng Japan.










