-- Advertisements --

Muling itinakda ng Supreme Court ang pagdinig sa ilang mga petisyon na kumukuwestyon sa pambansang pondo.

Batay sa impormasyong inilabas ng SC, nakatakda ang Oral Argument sa June 2, June 9, at June 16, 2026.

Gaganapin ito, alas- 9:30 ng umaga sa En Banc Session Hall at Division Hearing Room ng SC sa Padre Faura, Maynila.

Tatalakayin sa oral arguments ang mga pinagsama-samang petisyon na inihain nina dating Albay Representative Edcel Lagman, dating Senate President Aquilino Pimentel III, at dating House Speaker Pantaleon Alvarez.

Kasama rin dito ang petisyon na inihain ng grupong Filipinos for Peace, Justice and Progress Movement Inc., gayundin ang petisyon nina dating Representative Edgar Erice at Rep. Leila de Lima.

Unang nagsagawa ng oral arguments ang SC sa mga naturang petisyon noong April 2026.

Hiling ng mga petitioner na ipawalang-bisa ang mga pagbabago at mga isiningit sa pambansang pondo sa ilalim ng bicameral conference committee o kilala ngayon bilang ‘ammendments and insertion.”