-- Advertisements --

Binatikos ni Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima si Vice President Sara Duterte dahil sa umano’y pananahimik nito sa mga panghaharass ng China sa mga mangingisdang Pilipino at pangangamkam sa teritoryo ng bansa.

Sa kanyang post sa X (dating Twitter), sinabi ni De Lima na nakababahala rin ang umano’y pagtanggap ng isang kompanyang konektado sa Bise Presidente at sa kanyang asawa ng nagkakahalaga ng P319 milyon mula sa ilang state-owned enterprises ng China.

Binanggit din ng mambabatas ang halos P1 bilyong umano’y hindi maipaliwanag na yaman na iniuugnay kay Duterte.

Samantala, sa isang pulong balitaan ng Office of the Vice President sa isinagawang OVP anniversary kickoff kinuwestiyon ni Duterte kung ang pakikipagnegosyo sa China ay maituturing na panganib sa pambansang seguridad. Ayon sa Bise Presidente, nanganganib ang Pilipinas na maging “troublemaker of Southeast Asia.”