Dalawang araw matapos ang pagbagsak ng isang gusali sa Angeles, Pampanga nananawagan ng hustisya at pananagutan ang mga pamilya ng mga biktima habang mahigit isang dosenang katao pa ang nawawala at pinangangambahang nasawi na sa trahedya.
Ayon sa mga awtoridad, inilipat na sa retrieval operations ang search and rescue efforts nitong Martes, Mayo 26, matapos ang dalawang araw ng paghahanap sa mga posibleng nakaligtas.
Tinatayang hindi bababa sa 16 katao ang pinaniniwalaang nasawi sa insidente.
Anila dapat managot ang engineer ng 9 story na gusali at may-ari nito.
Ayon kay Jay Pelayo, city information officer ng Angeles, nakipag-ugnayan na ang site engineer sa mga awtoridad upang magbigay ng listahan ng mga manggagawang nasa lugar nang mangyari ang insidente.
Gayunpaman, hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita ang may-ari at contractor ng gusali upang magpaliwanag.










