-- Advertisements --
Kasabay ng World Mental Health Day, inilunsad sa Caloocan City ang “Calm Space”.
Nag-aalok ang pamahalaang lungsod ng Caloocan ng libreng mental health screening at consultation sa mga residente.
Iniaalok din sa Calm Space ang free yoga, tai-chi exercise, at sound healing sessions.
Makikita ang Caloocan City Calm Space sa 5th floor ng Caloocan City Hall – South, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 a.m- 5:00 p.m.









