Suportado ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na tanggalin ang mga pangalan at larawan ng mga pulitiko mula sa mga pampublikong proyekto.
Giit ng Senador, walang puwang sa serbisyo publiko ang “epal billboards” kung saan nakabalandra ang mga pagmumukha ng mga pulitiko. Aniya, ang mga epal billboard ay kasing-mahal ng mga proyekto.
Ginawa ng opisyal ang pahayag kasunod ng utos ng DILG sa bisa ng memorandum circular 2026-006 na nagbabawal sa pagbalandra o paglalagay ng pangalan ng mga public official, kabilang ang kanilang larawan, logo, color motif, initials at iba pa sa mga proyekto ng gobyerno.
Ipinag-utos din ang agarang pagtanggal sa mga existing signages, tarpaulins, markers o materyales na lumalabag sa naturang kautusan.














