-- Advertisements --

Pinaalalahanan ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga overseas Filipino workers na huwag magpost o magbahagi ng mga larawan at video sa pag-atake sa Gitnang Silangan.

Kasunod ito sa pagkakaaresto ng ilang OFW sa United Arab Emirates dahil sa pagpost ng mga video sa mga nagaganap na missile attacks.

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, na dapat ang mga OFW ay mahigpit na sumunod sa mga panuntunan sa mga bansang kinaroroonan nila.

Tiniyak din nito na makakatanggap ng tulong ang mga OFW na naaresto sa UAE.