-- Advertisements --

Mariing na kinondena ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) ang naging engkwentro sa pagitan ng dalawang angkan sa Basilan nito lamang Martes, Oktubre 28.

Sa isang pahayag, inihayag ni Presidential Peace Adviser Sec. Carlito Galvez na patuloy nilang minomonitor ang sitwasyon lalo pa’t batay na rin sa mga naunang ulat, rido ang pinagugatan ng mismong alitan.

Tiniyak rin ni Galvez sa mga residente ng Tipo-tipo na mananatili ang hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at maging ng Philippine National Police (PNP) sa lugar upang matiyak at mapanatili ang kapayapaan at wala na muling uusbong na tensyon sa pagitan ng dalawang panig.

Aktibo ring ipinatupad sa ngayon ang mga kinakailangang mekanismong pang-kapayapaanupang suportahan ang security sector sa lugar upang matiyak na magiging maayos at kalmado na ang sitwasyon sa mga sususnod na araw.

Samantala, pinayuhan naman ni Galvez ang publiko na manatiling kalmado at iwasan ang pagbabahagi ng iba’t ibang espukulasyon na posibleng makaaoekto sa kasalukyyang lagay sa Tipo-tipo.

Nanawagan naman ang OPAPRU na makiisa at makipagtulungan sa mga otoridad sa pagpapatupad ng kaayusan at katahimikan sa Basilan sa ngalan ng kapayapaan at makataong resolusyon.