-- Advertisements --

Nagkausap sina Russian President Vladimir Putin at French President Emmanuel Macron sa telepono.

Tinalakay ng dalawa ang kaguluhan sa pagitan ng Iran at Israel ganun din ang labanan ng Russia sa Ukraine.

Ito ang unang pagkakataon na nagkausap ang dalawa mula noong Setyembre 2022.

Sa mahigit na dalawang oras na pag-uusap ay nanawagan si Macron ng ceasefire at mahalaga na simulan na ang negosasyon.

Iginiit naman ni Putin na mahalaga na irespeto ang karapatan ng Iran na gumawa ng mapayapang nuclear energy.

Binigyang linaw din ni Macron na dapat ay makipag-ugnayan ang Iran sa International Atomic Energy Agency.