-- Advertisements --
Tumangging magbigay ng anumang reaksyon si Quezon City 4th District Representative Bong Suntay sa pagharap nito sa House Committee on Ethics and Privileges.
Ipinatawag nitong Miyerkules si Suntay dahil sa pahayag bastos na pahayag nito sa actress na si Anne Curtis.
Ang Ethics complaints ay inihain ng mga mambabatas na kababaihan dahil sa hindi angkop na pahayag nito sa babae.
Ang nasabing pahayag aniya ay paglabag sa batas kabilang na ang Magna Carta of Women.
Bukod pa dito ay inireklamo rin si Suntay ng mga grupo ng mga kababaihan dahil sa paglabag sa Safe Spaces Act, Magna Carta of Women, at code of conduct for public officials.















