-- Advertisements --
Doble kayod ngayon ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para maayos ang mga nabutas na kalsada sa Metro Manila dahil sa pagbuhos ng malakas na ulan at pagbaha.
Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon na ilan sa mga dito ay sa bahagi ng Quezon City, Malabon, Lungsod ng Maynila, Pasay City, Taguig City at sa Valenzuela City.
Una ng binatikos ang DPWH dahil sa mga pagkakasira ng kalsada sa EDSA Busway matapos ang ilang buwang pagsasaayos nito.
Tiniyak naman ni Dizon na bukas ito sa anumang imbestigasyon sa nangyari sa mga sirang kalsada dahil sa EDSA rehabilitation.
















