-- Advertisements --

Nagpahayag ng labis na pagkadismaya ang transport group na PISTON matapos bawiin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang dapat sana na taas pasahe sa mga pampublikong sasakayn.

Sinabi ni Piston national president Modesto Floranda, na kakapiranggot lamang na taas pasahe ay binawi pa ng pangulo.

Habang ang mga malalaking gasolinahan ay hinayaan umano ng gobyerno na magtaas lamang ng presyo ng kanilang produkto.

Dahil dito ay ipagpapatuloy nila ang kanilang ikinasang tigil-pasada ngayong araw para kalampagin ang gobyerno sa patuloy na taas presyo ng mga produktong langis.