Napiling susunod na Prime Minister ng United Kingdom si Rishi Sunak matapos na umatras ang isa nitong katunggali sa posisyon.
Siya ang magiging pangatlong Prime Minister matapos lamang ang pitong linggo at ang pang-lima mula pa noong 2016.
Sa edad na 42 ay magiging siya ang pinakabatang tao na manunungkulan sa puwesto sa loob ng 200 taon.
Magugunitang mula ng nagbitiw sa puwesto si Prime Minister Liz Truss ay isa si Sunak sa malakas na papalit.
Tinalo niya si centrist politician Penny Mordaunt matapos bigo itong makakuha ng suporta sa mga mambabatas para sa halalan habang ang kaniyang isa pang katunggaling dating PM Boris Johnson ay umatras na rin sa pagtakbo.
Unang nahalal siya sa members of parliament noong 2015 at nagtagal sa puwesto ng dalawang taon.
Naging junior minister siya ni dating PM Theresa May at noong panahon ni dati ring British PM Boris Johnson ay itinalaga siya bilang Chief Secretary to the Treasury noong 2019 at naging Chancellor noong 2020.
Binati siya ni Scottish Conservatives leader Douglas Ross kung saan naniniwala ito sa knaiyang kakayahan.
Habang sinabi naman ni Foreign Secretary James Cleverly na kaya ni Sunak na harapin ang mga suliranin na kaniyang mamanahin.
Magiging pormal lamang ang pag-upo nito kapag makausap ng nagbitiw na si Truss si King Charles III at tanggapin ang pagbibitiw nito sa puwesto.
Matapos nito ay tatanggapin niya si Sunak at hihilingin nitong bumuo siya ng gobyerno.
Magtutungo sa London si King Charles III mul sa private royal estates ng Sandringham.