Ipinag-utos ng ilang lokal na pamahalaan ang suspensyon ng klase sa Lunes, Hulyo 28, dahil sa masamang panahon dulot ng habagat na pinalalakas ng Tropical Depression Emong (international name: Co-may).
Narito ang mga lugar na kanselado ang klase:
NCR
Malabon City: Lahat ng face-to-face classes mula Kindergarten hanggang Senior High School at ALS (public schools)
Ilocos Region
La Union: Face-to-face classes sa lahat ng antas, public at private; asynchronous ang college level
Pangasinan: Lingayen, Bani (Hulyo 28–Agosto 1), Anda (Hulyo 28–30), Calasiao, Aguilar, Mangaldan — lahat ng antas, public at private
Central Luzon
Pampanga: Apalit at Masantol — face-to-face classes sa lahat ng antas, public at private
Calabarzon
Kawit, Cavite: Lahat ng antas, public at private
Quezon City
Lahat ng klase sa public at private schools ay suspendido bilang paghahanda sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Gayundin ang mga government offices sa Mangaldan at Lingayen, Pangasinan ay suspendido rin.