Pinalawig pa Government Service Insurance System (GSIS) ang emergency loan program nito para maisama pa ang mas maraming lugar sa Luzon.
Ito ay matapos ideklara ang state of calamity sa karamihan ng mga lokal na pamahalan sa Luzon dahil sa pananalasa ng mga bagyo at hanging habagat.
Simula ngayong Biyernes, Hulyo 25, maaari nang mag-apply ng naturang emergency loan ang mga aktibong miyembro at pensioners na naninirahan sa mga sinalantalang lugar.
Kabilang na sa Cainta, San Mateo at Montalban (Rodriguez) sa probinsiya ng Rizal, mga siyudad sa Malaban, Marikina, Las Piñas, Navotas, at Valenzuela sa Metro Manila.
Inanunsiyo din ng state-run pension fund na maaaring mag-apply ng loan hanggang sa Agosto 24 ang mga miyembro o pensioners mula sa Agoncillo sa Batangas, Balagtas sa Bulacan, Malasiqui at Dagupan City sa Pangasinan, Roxas sa Palawan at sa buong probinsiya ng Bataan at Pampanga.
Nauna ng binuksan ang naturang programa sa 5 lugar sa Cavite, Quezon City, Umingan sa Pangasinan, Calumpit sa Bulacan at Manila City.