Narekober ng grupo ng mga mangingisda sa may karagatang sakop ng Puerto Princesa ang hinihinalang rocket debris na inilunsad ng China noong Enero 19
Sa ibinahaging video ni City Councilor Elgin Robert Damasco ngayong Sabado, Enero 31, inihayag ng local official na nadiskubre ng mga mangingisda ang naturang debris sa layong 8 nautical miles silangan ng Puerto Princesa City nitong Biyernes habang nangingisda.
Hinatak nila ang rocket debris patungo sa fishport ng siyudad malapit sa Puerto Princesa Baywalk.
Batay naman sa mga mangingisda, nasa dagat na aniya sila nang ilunsad ng China ang rocket at nakitang bumagsak ang debris nasa tinatayang 2 nautical miles mula sa kanilang lokasyon.
Itinurn-over naman kalaunan ang narekober na rocket debris sa Coast Guard at Philippine National Police para sa maayos na disposisyon.
















