-- Advertisements --

Idineklara ng Sangguniang Panlalawigan ang State of Calamity sa lalawigan noong Nobyembre 14, matapos aprubahan ang rekomendasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).

Ang deklarasyon ay bunsod ng malawakang pinsalang iniwan ng Super Typhoon “Uwan” sa iba’t ibang komunidad.

Sa ilalim ng deklarasyon, maaaring gamitin ng probinsya ang 30% Quick Response Fund (QRF) mula sa 5% Local DRRM Fund para pondohan ang agarang relief at recovery operations.

Nagpatupad din ng price freeze sa mga pangunahing bilihin ang lokal na pamahalaan upang maiwasan ang overpricing.

Ayon sa lokal na pamahalaan, inaasahang mapapabilis ng deklarasyon ang pamamahagi ng ayuda at rehabilitation efforts para sa mga pamilyang naapektuhan at sektor tulad ng mga magsasaka na labis na tinamaan ng bagyo.