-- Advertisements --

Umabot na sa 111 ang bilang ng mga nasawi dahil sa bagyong Tino sa probinsiya ng Cebu.

Ayon sa Cebu Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na ang nasabing bilang ay mula sa iba’t-ibang local government units ng Cebu.

Ang nasabing bilang ay naitala nitong 7:20 ng gabi ng Nobyembre 5.

Narito ang bilang ng mga nasawi

Cebu City – 12
Asturias – 2
Balamban – 6
Bantayan – 1
Compostela – 25
Consolacion – 1
Danao – 9
Liloan – 35
Mandaue – 12
Talisay – 7
Tabogon – 1.

Ang nasabing bilang ay mula lamang sa Cebu Provincial Office at hindi pa pormal na naisasama sa kabuuang bilang mula sa Office of Civil Defense.