-- Advertisements --
Sumiklab ang malawakang wildfire sa Greece dahil sa nararanasang matinding init ng panahon.
Aabot sa limang mga malalaking wildfire ang sumiklab sa ilang bahagi ng Greece.
Inaasahan kasi na ang temperatura ay aabot ng hanggang 44 degree celcius sa nasabing lugar.
Bagamat naapula na ang ilang mga wildfire ay ibinabala pa rin ng mga otoridad ang muling pagsiklab ng nasabing sunog.
Maging ang katabing bansang Turkey ay nakaranas din ng matinding init ng panahon kung saan may naitala ring mga wildfire.