-- Advertisements --

Kumpiyansa si Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez na sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ay ihahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsusulong nito ng inklusibong pag-unlad at isang pamamahala na tumutugon sa pa pangangailangan ng mga Pilipino.

Ipinagmalaki ni Romualdez ang mga naabot ng PAngulo  sa ilalim ng kanyang matatag at mahabaging pamumuno.

“Mula sa matapang na hakbang para sa muling pagbangon ng ekonomiya hanggang sa mga determinadong pamumuhunan sa agrikultura, imprastraktura, edukasyon, at digital innovation, ipinakita ng Pangulo na ang matatag na pamahalaan ay kayang iangat ang buhay ng mamamayan at ibalik ang tiwala sa kinabukasan ng ating bansa,” dagdag pa ni Romualdez.

Bilang pangulo ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD), sinabi ni Romualdez na ang nalalapit na SONA ay isang pagkakataon upang higit pang patatagin ang pag-unlad ng bansa habang sabay na tinutugunan ang mga kagyat na suliranin ng mamamayan.

Ayon kay Romualdez, ang SONA ngayong taon ay isang pagkakataon upang itaguyod ang ating mga nakamit at maglatag ng malinaw, makatao, at pangmatagalang adyenda na tumutugon sa tunay na pangangailangan ng ating mga kababayan.

Dagdag pa niya, mananatiling tapat ang Kamara sa pagsuporta sa mga prayoridad ng Pangulo sa pamamagitan ng mga batas na may konkretong benepisyo para sa mamamayan.

“We in the House of Representatives stand firmly behind the President’s vision. We are ready to translate his priorities into action by passing laws that will ease the burden on Filipino families, strengthen our economy, and ensure that no one is left behind in the journey toward a truly inclusive and secure future,” diin pa ni Romualdez.