-- Advertisements --

All-set na ang House of Representatives para sa pagbubukas ng First Regular Session ng 20th Congress at ang joint session ng Congress para sa ika-apat na State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bukas July 28,2025.

Sinunod ni House Secretary General Reginald Velasco ang panawagan ni Leyte 1st district Representative Ferdinand Martin Romualdez na alisin na ang red carpet fanfare at fashion coverage upang ipahayag ang simpatiya sa mga kababayan natin na apektado ng malawakang pagbaha at bagyong Crising, Dante at Emong.

Binigyang-diin ni Speaker Romualdez na hindi kaaya-aya na magkaroon ng fashion show gayong karamihan sa ating mga kababayan ay nahihirapan bunso ng naranasang kalamidad.

Una ng nanawagan si Romualdez na gawing simple ang pagdaraos ng SONA.

Maging si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ay pinatigil ang paglalagay ng mga tarpaulin na may kaugnayan sa SONA.

Nais ng Pangulo na unahin ang pagtulong sa ating mga kababayan.

Alas-10:00 ng umaga bukas magsisimula ang regular session at alas-4:00 ng hapon ang SONA ni Pangulong Marcos.