-- Advertisements --

Sa isang matapang na pahayag, sinabi ng dating world champion at boxing analyst na si Timothy Bradley na tila wala na sa focus at tapos na sa boxing si Gervonta “Tank” Davis — hindi lamang pisikal, kundi lalo na sa mental na aspeto.

Sa panayam na maaaring huling beses niya sa ESPN para sa Top Rank, ipinahayag ni Bradley ang kanyang pagkabahala sa estado ni Davis matapos ang ilang legal na isyu. Aniya, “Tank is done. He’s checked out mentally.”

Iginiit pa ni Bradley na wala nang interes si Davis na labanan ang mga elite fighters gaya nina Shakur Stevenson, at tila mas inuuna na lamang nito ang “money fights” laban kina Jake Paul o kahit kay Manny Pacquiao.

Nagbabala pa si Bradley na kung hindi handa aniya si Tank at haharap kay Pacquiao, matatalo umano ito.

Ayon pa sa kanya, nawawala na ang gutom at dedikasyon ni Davis sa sport. Aniya, pagod na ito sa boxing at marami umanong iniisip.

Ang pahayag ni Bradley ay umani ng reaksyon mula sa fans at boxing community, habang patuloy ang tanong kung may balak pa bang bumalik si Tank sa tuktok ng boxing?