Matapos ang halos apat na dekada sa mundo ng boksing bilang fighter, trainer, matchmaker, at promoter, akala ni Sean Gibbons ay nakita na niya ang lahat. Ngunit nagbago ito nang makatrabaho niya ang Pambansang Kamao Manny Pacquiao.
Ani Gibbons wala pa aniyang nakalampas sa sipag at tibay ni Pacquiao habang pinapanood ito mag-ensayo para sa kanyang laban kontra Mario Barrios sa WBC welterweight title sa Sabado.
Sa edad na 46, patuloy pa rin ang matinding conditioning ni Pacquiao — na aniya’y mas grabe pa sa mga kabataang bosingero tulad ni Eumir Marcial, na hirap makasabay sa training ng boxing legend.
Dagdag pa niya, tila bumalik sa 2019 prime form si Pacquiao sa kalidad ng kanyang paghahanda ngayon. Sa sobrang paghanga, sinabi ni Gibbons na kung matatalo ni Pacquiao si Barrios, dapat siyang muling i-induct sa International Boxing Hall of Fame.
Samantala, sa mga huling araw ng kanyang training, hindi pa rin bumibitaw si Pacquiao.