-- Advertisements --

Tuluyan ng bumabalik sa full-time boxing si Hall of Famer Manny Pacquiao.

Ito ang ibinunyag ni MP Promotions head Sean Gibbons kung saan bukod sa pagiging boxer ay gagawa rin ito ng TV program na magsusulong ng sport sa US.

Inaasahan rin na makakaharap ng 46-anyos na si Pacquiao si WBA welterweight champion Rolly Romero na maaring ganapin sa Las Vegas sa Disyembre.

Ang 29-anyos na si Romero nanaing professional boxer noong 2016 ay mayroong record na 17 panalo at dalawang talo na mayroong 13 knockouts.

Magugunitang noong Hulyo ay nagresulta sa draw ang laban ni Pacquiao kay WBC titlist Mario Barrios kung saan sinabi ni Gibbons na hindi na nila prioridad ang magkaroon pa ng rematch.