Nakalusot si Filipino Olympic bronze medalist Eumir Marcial matapos na talunin si Eddy Colmenares ng Venezuela sa co-main event ng 50th anibersaryo ng Thrilla in Manila.
Nakamit nito ang majority decision matapos ang 10 round na laban.
Bahagyang nahirapan si Marcial matapos na ito ay napatumba ng dalawang beses na una ay sa round 3 at pangalawa ay sa round 10.
Sa ilang natitirang segundo ng last round ay agad na bumangon si Marcial ay pinaulanan ng suntok ang Venezuelan boxer.
Isang judge ang nagbigay ng 94-94 na puntos habang dalawa naman ay 95-93 na pumabor kay Marcial para makuha nito ang bakanteng WBC international middleweight title.
Mayroong ng record si Marcial na pitong panalo at walang talo na may apat na knockouts habang si Colmenares ay mayroong 11 panalo tatlong talo na may 11 KO.
















