Pasok na sa men’s boxing 80 kg. finals si Pinoy boxer Eumir Marcial sa nagpapatuloy na Southeast Asian (SEA) Games.
Pinatumba ni two-time Olympian ang Vietnamese na si Manh Cuing Nguyen para maka-abanse sa gold medal match.
Hindi hinayaan ni Marcial na ipaubaya ang desisyon sa mga judges kaya pinatumba ang kalaban sa 35 segundong natitira sa ikalawang round.
Sinabi nito na hindi niya inaasahan ang knockout dahil sa ginagawa lamang niya ang makakaya at ibinigay ang lakas para manalo.
Makakaharap ng 30-anyos na si Marcial si Indonesian Maikhel Muskita na nagwagi ng gold medal noong 2021 at silver medal noong 2023 SEA Games.
Makakasama ni Marcial ang ilang mga Pinoy boxers na lalaban sa gold medal match na sina Flint Jara, Jay Brian Baricuatro at Aira Villegas.















