Ibinunyag ngayon ng boksingerong si Eurmir Marcial ang mga hamon na dinaanan niya sa katatapos na 33rd Southeast Asian Games sa Bangkok, Thailand.
Sinabi nito na bilang nag-iisang boksingero ng bansa na nakakuha ng gintong medalya sa SEA Games ay hindi madali ang pinagdanan.
Sa kaniyang kasalukuyang WBC International Champion ay inisip niya maapektuhan ang kaniyang professional career kung ito ay mabigo.
Isa sa mga naging hamon sa kaniya ay ang paggamit ng organizers ng 3.5-meter Velcro wraps na hindi ligtas sa kamay ng mga boksingero.
Mula sa simula ng torneo ay maraming mga boksingero ang nasugatan na kamay dahil sa hindi tugmang hand wrap.
Dahil sa pursigido ito na manalo ng gintong medalya ay tiniis na lamang niya ang sakit para hindi masira ang kaniyang boxing career.
















