Hinalal bilang bagong pangulo ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) si Marcus Jarwin Manalo.
Isinagawa ang halalan ng ABAP nitong Miyerkules, Pebrero, 4.
Si Manalo na dating secretary-general ng ABAP ay siyang papalit kay Robbie Puno.
Naupo si Puno noong 2023 bilang kapalit ng namayapang si ABAP president Ed Picson.
Habang si dating ABAP chairman Ricky Vargas, na nagsilbing chef de mission ng Team Philippines para sa 2028 Los Angeles Olympics ay itinalaga bilang bagong honorary chairman.
Ilan sa mga opisyal na naitalaga ay sina Raul Daza bilang vice chairman habang vice president naman si Angelo Vargas.
Ang mga board members ay kinabibilangan nina Arnel Casanova, Mark Burgos, Emilio Jose Abelita Jr, Oscar Moreno, Reinaldo Bautista Jr, Alfrancis Chua at two-time Olympic medalist Nesthy Petecio.















