Nagsumite ng apila ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Pre-Trial Chamber 1 ukol sa ruling pre-detention ng dating pangulo.
Ayon kay lead counsel Nicholas Kaufman , na kasama rin dito ang apila nila ng agarang pagpapalaya sa dating pangulo.
Nakasaad sa dokumentong isinumite na nagkaroon ng pagkakamali ang Pre-Trial Chamber 1 ng hindi nila tinanggap ang pinagsamang medical report mula sa pangunahing neurologist at neuropsychologist.
Nakasaad kasi sa mga medical experts na inirekomenda ng kampo ni Duterte na nagkakaroon ng problema sa kalusugan ang dating pangulo.
Sinabi pa ni Kaufman na malinaw na mayroong kaukulangan ang dating pangulo sa executive functioning, nagtamo na rin ito ng problema sa kapasidad ng pagpaplano at mabilisang pagdesisyon.
Ang nasabing apila ay inihain bilang pagtugon sa kautusan ng Appeals Chamber ng International Criminal Court.
Binigyang din ng Deputty Prosecutors ang Legal Representatives ng mga Biktima na maghain din ng appeal brief ng hanggang Pebrero 12.
Una ng tinanggihan ng ICC ang hiling ng kampo ni Duterte ng indefinite adjourment at nakita nilang may kakayahan ang dating pangulo na humarap sa pagdinig.
Itinakda ang confirmation of charges hearing sa darating na Enero 23, 2026.
Magugunitang noong Marso ng nakaraang taon ng inaresto ang dating Pangulo ng ICC dahil sa kasong crime against humanity.
















