Kinuwestyon ng House Prosecution panel ang depensa ni Vice President Sara Duterte matapos gumamit ang mga abogado nito ng prepared slides sa cross-examination kay retired Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang.
Ayon kay House Prosecutor Terry Ridon, taliwas umano Ito sa pahayag ng depensa na Hindi nila inaasahan ang pagharap ni Tang bilang witness sa article II ng impeachment case na tumatalakay sa umano’y unexplained wealth.
Sinabi ni Ridon na kung Hindi umano handa ang depensa sa pagharap ni Tang, bakit mayroon silang inihandang slides para sa kanilang cross-examination.
Samantala, sinabi ni House impeachment adviser at prosecution spokesperson Robert Ace Barbers na nabanggit na ang pangalan ni Tang nang humiling ang prosekusyon ng subpoena para sa kanya.
Dahil dito, naniniwala siyang maaaring napaghandaan na ng depensa ang mga posibleng tanong sa dating magistrate.
Giit ni Barbers, ipinakita mismo ng paggamit ng depensa sa mga prepared slides na inaasahan nila ang testimonya ni Tang.
Aniya, posibleng hindi lamang nais ng kampo ni Duterte na marinig ang paliwanag ng dating Sandiganbayan chief tungkol sa legal framework ng unexplained wealth.
















