-- Advertisements --

Inanunsiyo ni dating world heavyweight champion Tyson Fury ang kaniyang muling pagsabak sa boxing.

Sinabi nito na makakaharap niya sa darating na Abril 11 si Arslanbek Makhmudov.

Dagdag pa nito na sabik siyang muling lumaban dahil nasa puso niiya ang boxing.

Si Fury ay mayroong 34 panalo, dalawang talo, isang draw at 24 knockouts habang si Makhmudov ay mayroong 21 panalo, dalawang talo at 19 na KO.

Magugunitang una ng nagretiro ang 37-anyos na si Fury noong Enero 2025 kung saan hindi na ito lumaban matapos ang magkakasunod na pagkatalo kay Oleksandr Usyk noong Mayo at Disyembre ng 2024.