Kinailangan na tahiin ang sugat na tinamo ni Pinoy boxing champion Nonito Donaire Jr.
Nagtamo ito ng malalim na sugat sa may mata matapos ang aksidenteng head butt mula kay Riku Masuda ng Japan.
Dahil dito ay nagkamit ng tecknical knockout na pagkatalo sa loob ng ikawalong round si Donaire para s WBA bantamweight title elimination.
Nangyari ang aksidenteng headbutt noong ikalimang round kung saan pagpasok ng ika-anim na round ay pinayuhan ng Hungarian referee na si Bence Kovacs ang ringside doctors na suriin ang sugat nito.
Bagamat may sugat ay sinasabing nagwagi pa rin si Donaire sa ikalima at ikaanim na round hanggang pagpasok ng ikawalong round ay doon mas pinatindi ni Masuda ang pag-atake.
Ito na ang pang-apat na talo ni Donaire sa loob ng limang laban kasama na ang pagkatalo kay Naoya Inoue.
















