-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nakamulat na ang Mindanaoan na boksingerong si Jordan “Tuklaw” Atlao mula DS Claveria, Misamis Oriental matapos siyang ma-comatose nang bumagsak sa kanyang sparring session sa lungsod ng Butuan.

Napag-alamang naghahanda si Tuklaw para sa kanyang laban sa Japan na gaganapin ngayong Mayo ang bigla raw itong nawalan ng malay habang nagsasanay kaya’t agad siyang dinala sa ospital.

Pagkalipas ng ilang araw na gamutan, dumilat na ang kanyang mga mata at nakagalaw na ang kanyang kamay, ayon sa kanyang manager na si Dondon Llagas.

Si Atlao ay may rekord na anim na panalo, isang talo, at limang knockouts. Simula noong 2024, nakapagtala siya ng tatlong sunod-sunod na tagumpay.