-- Advertisements --

Tanging si Eumir Marcial lamang sa mga boksingero ng bansa na lumaban sa gold medal match ng Southeast Asian Games sa Thailand.

Tinalo kasi nito si Maikhel Roberrd Muskita ng Indonesia sa pamamagitan ng split decision sa finals ng men’s light heavyweight.

Nakuha ni Marcial ang pabor ng apat na judges lalo na sa pagpapaulan nito ng mga suntok sa ikatlong round.

Ito na ang pang-limang gintong medalya ni Marcial sa SEA Games kung saan dominado nito ang laro mula pa noong sumabak siya sa taong 2015.