-- Advertisements --

Kung may isang boksingero na makaka-relate sa sitwasyon ni People’s champ Manny Pacquiao pati narin sa edad, ito ay si Bernard Hopkins.

Si Hopkins ang pinakamatandang boksingero na nanalo ng world title matapos niyang makuha ang light heavyweight belts sa edad na 49 taon nang talunin si Beibut Shumenov sa isang split decision noong Abril 2014.

Ngayon, si Pacquiao ay haharap kay WBC Welterweight Champion Mario Barrios sa Hulyo 19, sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, na naglalayong maging pangalawang pinakamatandang boksingero sa kasaysayan ng boxing matapos makuha ang isang world title.

Sa kabila ng pagiging 46-taong gulang ni Pacquiao at ang pagbabalik mula sa isang apat na taong pagreretiro, sinabi ni Hopkins na may pagkakataon pa rin si Pacquiao.

Ayon kay Hopkins sa interview sa The Ring pinapalakpakan niya Manny dahil alam aniya nito na walang ibang makakagawa ng ganito kung hindi si Pacquiao lang.

Gayunpaman, hindi naniniwala si Hopkins na matatalo ni Pacquiao si Barrios sa pamamagitan ng stoppage. Ayon sa kanya, baka manalo si Manny sa desisyon, pero hindi umano nito nakikitang magtatapos ang laban sa isang knockout.

Kilala si Hopkins, na dating undisputed middleweight champion, na huling lumaban noong Disyembre 2016, ilang linggo bago ang kanyang 52nd birthday, kung saan tinalo siya ni Joe Smith Jr.