-- Advertisements --

Umani ng papuri mula sa iba’t-ibang boksingero sa mundo ang naging laban ni eight -division boxing champion Manny Pacquiao kay Mario Barrios ng US.

Kahit na nagtapos sa majority draw ang laban at napanatili ni Barrios ang kaniyang WBC welterweight belt ay hindi pa rin nawala ang paghanga ng ilang mga boksingero sa 46-anyos na Pinoy boxer.

Nanguna ang Cuban boxer na si Yordenis Ugas na pumuri kay Pacquiao.

Hindi kasi akalain nito na matapos niyang talunin si Pacquiao noong nakaraang apat na taon ay muling lumaban sa mas batang boksingero na ang agwat ay 16 na taon.

Si Ugas kasi ang sinasabing naging dahilan kay Pacquiao na tuluyang magretiro sa boxing noong 2021.

Labis na respeto ang ipinakita ni dating WBO junior lightweight titleholder Jamel Herring dahil sa championship level ang ipinamalas ni Pacquiao.

Sa loob kasi ng apat na taon na hindi paglalaban ay nagpakita pa rin si Pacquiao ng lakas.

Inakala naman ni dating IBO lightweight title holder George Kambosos Jr na panalo si Pacquiao sa laban kay Barrios.

Mananatili aniya itong inspirasyon niya si Pacquiao dahil sa angking galing nito sa boxing ring.