-- Advertisements --
Ipinagtanggol ni dating eight-division boxing champion Manny Pacquiao ang naging batikos na masyado ng huli ang pagsasagawa niya ng rematch kay US boxing champion Floyd Mayweather.
Sinabi nito na hindi pa huli ang lahat sa nasabing rematch dahil parehas silang hindi nagpabaya sa kanilang mga kondisyon.
Nakahanda na aniya ang lahat at nagsimula na ito ng mga light training ilang buwan bago ang laban.
Isinasapinal din nito ang exhibition fight kay retired junior welterweight champion Ruslan Provodnikov ng Russia.
Magugunitang nakatakda sa buwan ng Setyembre ang rematch nina Pacquiao at Mayweather matapos ang mahigit isang dekada noong sila ay nagharap noong Mayo 2, 2015.














