Inanunsyo na ng Kataastaasang Hukuman ang pagdeklara sa ‘articles of impeachment’ na kinakaharap ni Vice President Sara Duterte bilang ‘unconsititutional’.
Sa ginanap na pulong balitaan ngayong araw, inihayag ni Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Sue Mae Ting na ang impeachment complaint kontra sa ikalawang pangulo ay idineklara ng Korte Suprema na hindi naayon sa konstitusyon.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo, ang deklarasyong ito ay kasunod ng isinagawang en banc session ng mga mahistrado ngayong araw ng Biyernes, ika-25 ng Hulyo.
Kung saan nagkaisa ang naging resulta sa mga boto ng mahistrado o ‘unanimous decision’ ang kinalabasan sa isinagawang sesyon ng Korte.
Binubuo ito ng 13 mahistrado na bumoto pabor na mapawalang bisa o ‘null’ and ‘void’ ang naturang articles of impeachment.
Kabilang rito sina Associate Justice Raul Villanueva, at Senior Assosciate Justice Marvic Leonen.
Nag-abstain naman rito si Associate Justice Benjamin Caguioa, habang naka-official leave ang isa pang mahistrado na si Associate Justice Maria Filomena Singh.
Base sa naging desisyon, dito binigyang diin ang paglabag ng inihaing impeachment complaint sa Article 6 Section 3 ng Saligang Batas o ang 1 year rule sa paghahain ng partikular na reklamo.
Sinasabing nag-ugat ito sa apat na impeachment complaints kontra kay Vice President Sara Duterte na ang unang tatlo ay inihain noong December 2, 4, at 19 ng nakalipas na taong 2023.
Habang agad itong sinundan ng panibagong naaprubang impeachment complaint sa kamara noong February 5, 2025.
Dagdag pa rito, kabilang din sa pinagbasehan ng desisyon ang paglabag sa pagkilala ng due process sa Bill of Rights dahil sa naging madalian umano ang pagpapasa sa naturang impeachment complaint.
Kaya’t alinsunod sa deklarasyon ng supreme court, ayon kay Spox Sue Mae Teing ‘immediately executory’ o agaran na itong ipapatupad.