Nagdulot ng pangamba sa mga residente matapos lumitaw ang isang oarfish na natagpuang patay sa isang dalampasigan sa Quezon noong Pebrero 4.
Ayon sa ulat, ang isda ay may haba na 11 talampakan (3 metro) at bigat na 22 kilo, at natuklasan ng mga mangingisda.
Ipinakita sa mga kuha ang marine creature na nakahiga sa buhangin habang nagtitipon ang mga residente.
Ayon sa isang residente na hindi nila alam kung anong uri ng isda ito na kanila raw nakita sa pangpang na pinaniniwalaan nilang may masamang pangitain na darating sa isla.
Dinala naman na ang patay na isda sa Municipal Agriculturist Office para sa kuhaan ng specimen at pagkatapos ay ililibing.
Ang oarfish ay isang deep-sea fish at isa sa pinakamahabang bony fish sa mundo, karaniwang naninirahan sa ilalim ng dagat ng daan-daang metro kaya bihira silang makita nang buhay.
Bagamat naniniwala ang ilan na nagbabadya ang oarfish ng paparating na lindol, walang siyentipikong ebidensya na nagpapatunay nito.
Minsan lamang lumalabas ang mga ito bago o pagkatapos ng mga lindol.










