-- Advertisements --
Kinumpirma ng White House ang pagkikita nina US President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping sa buwan ng Mayo.
Ang unang pagbisita ng isang US President sa China matapos ang 10 taon ay gaganapin mula Mayo 14 hanggang 15.
Pagkatapos nito ay bibisita rin ang Chinese President sa White House sa mga susunod na buwan.
Kinumpirma ni White House press secretary Karoline Leavitt na matutuloy na ang nasabing pagkikita matapos ang ilang buwan na pagkaantala.
Sinabi naman ni Chinese foreign ministry spokesperson Lin Jian na patuloy ang komunikasyon ng dalawang panig para paghandaan ang nasabing pagbisita.
















