-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Mariing binatikos ni dating Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel ang pagmaliit nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Energy Sec. Sharon Garin sa kasalukuyang krisis sa langis.

Ayon kay Manuel, abnormal na lang ang naniniwalang normal ang nangyayari ngayon kung saan umaabot na sa P110-P120 ang presyo kada litro ng produktong petrolyo.

Mungkahi ni Manuel na dapat nang tanggapin ng pamahalaan na may krisis at agad aksyunan ang kasalukuyang sitwasyon dahil kapag pinatagal pa ay mas lalong malunod sa kahirapan ang mga manggagawa at ordinaryong Pilipino.

Giit pa nito na sa gitna ng krisis, dapat ay may gobyernong handang gawin ang lahat upang mapawi ang hirap na nararanasan ng ating mga kababayan.