-- Advertisements --

Ikinalugod ng Transport Network Vehicle Service groups ang gawain ng gobyerno pamamahagi ng ‘cash relief’, ngunit giit nila’y dapat pa rin magkaroon ng pangmatagalan solusyon sa epektong dulot sa pagtaas ng presyo ng gasolina.

Naniniwala ang grupong TNVS Community Philippines na hindi dapat nakadepende sa pansamantalang remedyo lamang ang pamahalaan.

Apela ng grupo na bukod sa ‘cash relief’, hiling nila na panibaguhin o taasan na ang pamasahe ng 20 piso sa ‘base fares’ ng anuman kategorya.

Napapanahon anila ito para na rin makatulong sa hamon na kinakaharap ng mga drayber pagdating sa mataas na presyo ng langis.

Kung kaya’t inilahad mismo ng tagapangulo ng grupo na si Walter Lugay ang kanilang mga kahilingan nais idulog sa administrasyon.

Dagdag pa nila’y simple lamang layunin ng grupo, ang magkaroon ng patas na sistema sa transportasyon kung saan kumikita ng akma ang mga drayber at nakababyahe ng ligtas.

Aminado kasi si Lugay pati driver operator na si Arlyn Camorongan na lubos silang naapektuhan sa pagsirit ng presyo ng gasolina.