Ilulunsad ng lokal na pamahalaan ng Kalayaan sa Palawan ang “patriotic tours” sa Pag-asa Island ngayong Abril.
Layunin nitong palakasin ang nasyonalismo at suportahan ang soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Tampok sa patriotic tour ang immersion sa komunidad, pagbisita sa mga sundalo, at mga makabayang gawain.
Isasagawa rin ang pag-awit ng “Lupang Hinirang” habang nakaharap sa katubigan, kung saan may mga barko ng China, pagwagayway ng watawat ng bansa, pagbisita sa mga tropang Pilipino, at pakikibahagi sa buhay ng lokal na komunidad.
Sa kasalukuyan, nakalaan para sa mga residente ng Palawan ang naturang tour, ngunit pinaplano na itong palawigin para sa iba pang mga Pilipino.
May-aalok naman ang lokal na pamahalaan ng libreng transportasyon sa pamamagitan ng wooden hull boat para sa mga Palaweño, habang ang mga turista ay babayaran lamang ang pagkain at accommodation.
Para makapag-book o makasama ang mga turista, mangyari lamang na makipag-ugnayan sa Kalayaan Municipal Tourism Office.
Ang inisyatibong ito ay naglalayong ipakita na ang Pag-asa Island ay isang buhay na komunidad at bahagi ng soberanyang teritoryo ng Pilipinas.















