Handang pakinggan ng mga Republican senators ang mga witnesses kapag nagsimula na ang Senate impeachment hearing kay US President Donald Trump.

Sinabi ni Republican Senator Mitch McConnell, na hindi nila tinatanggal ang kahalagahan ng witness sa kanilang pagdinig.

Dagdag pa nito na kung sa House of Representatives ay hindi nabigyan ng sapat na oras ang mga witness ay pagdating sa senado ay bibigyan nila ng sapat na oras ang mga ito.

Inaasahan kasi na magsisimula sa susunod na buwan ang senate impeachment hearings.

Magugunitang pormal ng inimpeach ng House noong nakaraang linggo si Trump dahil sa abuse of power at obstruction of Congress dahil sa pagtawag niya sa Ukraine President para imbestigahan ang katunggali nitong si ex-Vice President Joe Biden.